Skip to content

Pagtatatuwa

Naglalaman lamang ang [Tagalog] na bersyon ng Innovation, Technology and Industry Bureau (ITIB) ng piniling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-access ang buong nilalaman ng aming website sa English, Traditional Chinese o Simplified Chinese.

Mensahe ng Malugod na Pagtanggap

Welcome sa website ng Innovation, Technology and Industry Bureau (“ITIB”). Nakatuon ang ITIB sa pagpapaunlad ng Hong Kong bilang isang internasyonal na sentro ng inobasyon at teknolohiya, bumubuo ito ng mga patakaran upang lumikha ng isang masiglang ekosistema ng inobasyon at teknolohiya (“I&T”) para sa pamahalaan, industriya, akademya, at sektor ng pananaliksik na may mahusay na suporta sa software at hardware.

Ang ITIB ang coordinating bureau para sa pagpapalaganap ng aplikasyon ng I&T sa pagpapabuti ng pang-araw-araw na buhay ng tao, pati na rin sa pagpapaunlad ng smart city at digital economy. Pinalalakas din ng ITIB ang suporta para sa pag-aalaga ng mga talento sa inobasyon at teknolohiya, at ipinapalaganap ang pag-unlad ng bagong industriyalisasyon at makabagong industriya ng paggawa. Bilang karagdagan sa pagpapadali ng pakikipagtulungan sa pananaliksik at pagpapaunlad (“R&D”) sa mga nangungunang institusyon ng agham at pananaliksik sa mundo, hinihikayat ng ITIB ang pakikilahok ng pribadong sektor sa R&D at komersyalisasyon ng resulta ng R&D at ipinapalaganap din ang mga hakbang na sumusuporta sa mga nagpapasimulang kompanya ng teknolohiya at pagpapaunlad ng teknolohikal na imprastraktura ng pananaliksik.

Laging inilalagay ng aming bansa ang inobasyon at teknolohiya (“I&T”) sa sentro ng pangkalahatang pag-unlad nito at kinikilala ang mahalagang posisyon ng Hong Kong bilang isang internasyonal na sentro ng I&T sa “Outline of the 14th Five-Year Plan for National Economic and Social Development and the Long-Range Objectives Through the Year 2035 of the People’s Republic of China” (*Tsino lamang) na pinagtibay noong 2021.

Nagbigay ang aming bansa sa amin ng pinakamalakas na suporta para sa pag-unlad ng I&T. Sa matibay na suporta ng mga kaugnay na kagawaran ng Pamahalaang Sentral, ang pangkalahatang ekosistema ng I&T sa Hong Kong ay nagiging masigla. Patuloy na palalakasin ng Gobyerno ang pakikipagtulungan ng I&T sa iba't ibang lalawigan at munisipalidad sa Mainland, kaya't pinapahusay ang lakas ng bawat isa. Makikibahagi nang husto ang Hong Kong sa pambansang pag-unlad at mag-aambag sa layunin ng bansa para sa pagkamit ng sariling kakayahan at pagpapabuti, at pagtatayo ng isang malakas na bansa sa agham at teknolohiya.

Para sa karagdagang impormasyon sa pakikipagtulungan ng I&T sa Mainland, mangyaring bisitahin ang web page ng Innovation and Technology Commission*.

Noong 2022, ipinahayag ng Gobyerno ang Blueprint ng Inobasyon at Pag-unlad ng Teknolohiya ng Hong Kong (“ang Blueprint”) upang magtatag ng isang malinaw na landas sa pag-unlad at bumuo ng sistematikong strategic planning para sa pag-unlad ng I&T ng Hong Kong sa susunod na limang hanggang sampung taon, tinutukoy ang Hong Kong sa paggalaw patungo sa layunin ng isang internasyonal na sentro ng I&T.

Binuo ng Gobyerno ang Blueprint mula sa pananaw ng mataas na antas ng pagpaplano at disenyo, at isusulong ang Blueprint sa ilalim ng apat na malalawak na direksyon ng pag-unlad, na ang mga ito ay “upang pagbutihin ang ekosistema ng I&T at itaguyod ang ‘bagong industriyalisasyon’ sa Hong Kong”; “upang palawakin ang iba't ibang talento sa I&T upang lumikha ng malakas na puwersa para sa paglago”; “upang itaguyod ang pag-unlad ng digital economy at i-develop ang Hong Kong bilang isang smart city”; at “upang aktibong makibahagi sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa at patatagin ang aming papel bilang tulay na nag-uugnay sa Mainland at sa mundo”. Ipinapahayag ng Blueprint ang walong pangunahing estratehiya sa ilalim ng apat na malalawak na direksyon ng pag-unlad. Mag-click dito*para sa mga detalye.

Sa loob ng apat na direksyon ng pag-unlad, itinatag ng Blueprint ang walong pangunahing estratehiya na may kabuuang 42 rekomendasyon na nakatuon sa 16 na layunin. Kabilang dito, sa ilalim ng direksyon ng pag-unlad ng “upang itaguyod ang pag-unlad ng digital economy at i-develop ang Hong Kong bilang isang smart city”, inihain ng I&T Blueprint ang anim na rekomendasyon, na ang mga ito ay:

(i) pagbilis ng pagtatayo ng smart government upang mapabuti ang kahusayan ng mga serbisyo ng gobyerno;

(ii) pagpapadali ng mga aplikasyon ng spatial data;

(iii) pagbilis ng pag-unlad ng bagong digital infrastructure;

(iv) pagpapalawak ng aplikasyon ng I&T upang itaguyod ang smart living;

(v) pagbilis ng pag-unlad ng financial technology; at

(vi) pagtayo ng ligtas na cyber environment.

Ang Smart City portal (mag-click dito*) ay nagsisilbing tulay ng komunikasyon sa pagitan ng Gobyerno at ng mga miyembro ng publiko. Regular naming ia-update ang progreso ng mga inisyatibang smart city na ito at magbibigay ng mga reali-time na dashboard ng data ng lungsod. Maaari ding magsumite ang mga miyembro ng publiko ng kanilang mga pananaw at mungkahi sa iba't ibang inisyatiba at paksa.

Ang pagsuporta sa mga nagpapasimulang kompanya ay isa ring mahalagang elemento sa pagbuo ng isang komprehensibong industriya ng I&T. Nakatuon ang Gobyerno sa pagsuporta sa mga nagpapasimulang kompanya ng I&T, nagbibigay sa kanila ng access sa venture capital at mga financing channel, at nagpapakilala ng mga propesyonal na serbisyo sa pagpapasimula mula sa ibang bansa tulad ng mga accelerator at venture capital firm upang i-develop ang mga negosyo sa Hong Kong. Isasaalang-alang namin ang mga hakbang upang itaguyod at palakasin ang epektibong pakikipagtulungan sa pagitan ng Gobyerno, industriya, akademya, pananaliksik, at sektor ng pamumuhunan. Palalawakin nito ang mga channel sa financing para sa mga negosyo, itataguyod ang pag-unlad ng industriya, at pagpapadali ng isang malusog na kapaligiran para sa pagpapasimula. Makakatulong ito sa pagpapabilis ng pag-unlad ng bagong kalidad ng puwersa ng produksyon.

Para sa pinakabagong estadistika tungkol sa ekosistema ng pagpapasimula ng Hong Kong, bisitahin ang website ng Invest Hong Kong.

Ang Hong Kong Science and Technology Parks Corporation (“HKSTP”) at ang Hong Kong Cyberport Management Company Limited (“Cyberport”) ay nagbibigay ng komprehensibong suporta sa mga negosyo ng teknolohiya sa iba't ibang yugto ng pag-unlad. Nag-aalok ng suporta para sa pagpapasimula sa mga may talento sa larangan ng teknolohiya, kabilang ang pagkakaroon ng mga abot-kayang lugar ng tarabaho at pasilidad na magagamit nang sama-sama, subsidiya at pagpopondo, teknikal at suporta sa pamamahala, suporta sa merkado at pag-unlad, pati na rin ang suporta sa pagpapaunlad ng negosyo, lahat ay nakatuon sa pagtulong sa kanila na maisakatuparan ang kanilang mga makabagong ideya. Mag-click dito*para sa mga detalye.

Ang talento ang pangunahing yaman para sa pag-unlad at isang mahalagang elemento sa pagsulong ng pag-unlad ng I&T. Nagpapatupad ang Gobyerno ng iba'ibang pamamaraan upang palawakin ang iba't ibang talento sa I&T sa pamamagitan ng pag-aalaga, pag-akit, at paghawak ng mga talento. Halimbawa, lumikha kami ng mas magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng I&T para sa mga estudyante sa iba't ibang yugto ng pag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang programa, upang sanayin ang mas maraming bagong talento na sumali sa puwersa ng pagtatrabaho ng I&T. Nagpatupad din kami ng iba't ibang hakbang upang akitin ang mga talento mula sa Mainland at sa ibang bansa na ituloy ang kanilang mga adhikain sa Hong Kong.

Sa mga nakaraang taon, nagsikap ang Gobyerno na itaguyod ang edukasyon sa agham, teknolohiya, engineering, at matematika (“STEM”) sa loob at labas ng silid-aralan. Higit pa sa kurikulum, ang Programa ng “IT Innovation Lab in Secondary Schools” at ang Programa ng “Knowing More About IT” ay nagbibigay ng pagpopondo para sa mga secondary at primary school upang mag-organisa ng mga extra-curricular na aktibidad na may kinalaman sa information technology (“IT”), na naglalayong mapahusay ang kaalaman ng mga estudyante sa IT. Mag-click dito* para sa mga detalye.

Bilang karagdagan, hinihikayat din ng “STEM Internship Scheme” ang mga estudyante ng unibersidad na makakuha ng karanasan sa trabaho na may kaugnayan sa I&T at linangin ang kanilang interes na ilaan ang kanilang sarili sa industriya ng I&T pagkatapos ng graduation. Mag-click dito* para sa mga detalye. Hiwalay na nagpopondo ang “Research Talent Hub” sa mga kwalipikadong kompanya o organisasyon upang kumuha ng mga graduate ng unibersidad para magsagawa ng mga gawain sa pananaliksik at pag-unlad. Mag-click dito* para sa mga detalye.

Sa pagsasaalang-alang ng mga sitwasyon ng lipunan at ekonomiya ng Hong Kong at ang mga natatanging lakas nito, naglatag ang Blueprint ng mga plano sa pagpapaunlad ng "bagong kalidad ng mga puwersa ng produksyon" sa Hong Kong na may layuning suportahan ang pagbuo ng bagong real economy gamit ang mga bentahe ng Hong Kong, makamit ang "bagong industriyalisasyon," at magbigay ng bagong pampasigla para sa mataas na kalidad na pag-unlad ng ekonomiya ng Hong Kong. Ang bagong tatag na Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Bagong Industriyalisasyon ay gumagamit ng pamamaraang nakatuon sa industriya upang suportahan ang pag-unlad ng mga estratehikong negosyo sa Hong Kong, tumulong sa mga tradisyunal na industriya na mag-upgrade at mag-transform, pati na rin ang pagbibigay ng komprehensibong suporta sa mga nagpapasimulang kompanya upang magbigay kapangyarihan sa pag-unlad ng Hong Kong sa aspeto ng "bagong industriyalisasyon."

Determinado ang Gobyerno na gawin ang Hongkong bilang isang nangungunang digital at smart city. Ang impormasyon at cyber security ay mahahalagang haligi upang suportahan ang mabilis na pag-unlad ng mga pangangailangan ng aming e-government, e-business, e-commerce, e-learning, at iba pa. Upang itaas ang kamalayan ng publiko at itaguyod ang etika sa seguridad ng impormasyon, nag-set up ang Digital Policy Office (“DPO”) ng InfoSec website na nagsisilbing one-stop portal upang mapadali ang access ng publiko sa iba't ibang impormasyon sa seguridad at mga update. Ang mga payo sa seguridad ng impormasyon ay inuuri sa iba't ibang grupo ng user para sa madaling pagsangguni. Mag-click dito*para sa mga detalye.

Bilang karagdagan sa InfoSec website, nag-set up din ang DPO ng Cyber Security Information Portal na nagbibigay ng mga tagubilin at impormasyon sa mga tool sa cyber security para sa publiko upang magsagawa ng health check sa mga computer, mobile device, at website. Sa impormasyon na ibinibigay ng portal, makakakuha ang publiko ng mas magandang pag-unawa sa mga potensyal na panganib sa cyber world at mga hakbang sa seguridad upang protektahan laban sa mga cyber attack. Mag-click dito*para sa mga detalye.

Ang Digital Economy Development Committee (“DEDC”), na pinamumunuan ng Financial Secretary, ay itinatag noong 2022 upang magbigay ng payo sa mga estratehiya at hakbang upang pasulungin ang pag-unlad ng digital economy sa Hong Kong. Nagtatag ang DEDC ng apat na sub-group na nakatuon sa cross-boundary data collaboration, digital infrastructure, digital transformation, at pagpapaunlad ng talento. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsusuri sa pananaliksik at survey, pakikipag-ugnayan sa mga eksperto at stakeholder ng industriya, pati na rin ang mga site visit, nakalikom ang DEDC ng kaunawaan at pinag-isipan ang iba't ibang aspeto ng digital economy. Batay sa pagsusuri ng kasalukuyang pag-unlad at hinaharap na mga kalakaran, ipinakita ng DEDC ang mga pagsusuri at pagtuklas ng mga sub-group pati na rin ang mga rekomendasyon sa Gobyerno noong Pebrero 2024. Mag-click dito* para sa mga detalye.

Ang Innovation and Technology Fund (“ITF”), na pinangangasiwaan ng Innovation and Technology Commission, ay naglalayong dagdagan ang dagdag na halaga, produktibidad, at kakayahang makipagkumpitensya ng aming mga aktibidad sa ekonomiya. Umaasa ang Gobyerno na, sa pamamagitan ng ITF, maaaring hikayatin at tulungan ang mga kompanya sa Hong Kong na i-upgrade ang kanilang teknolohikal na antas at magpakilala ng mga makabagong ideya sa kanilang mga negosyo. Mag-click dito*para sa mga detalye.

*Ang mga nilalaman ay available lamang sa English, Traditional Chinese at Simplified Chinese.